Tuesday, August 11, 2026

DPWH, palalakasin ang flood control sa urban areas sa 2027

Isasama sa 2027 budget ang mga proyekto ng pamahalaan para palakasin ang flood control at maiwasan ang matinding pagbaha.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na pangunahing tututukan ang pagpapatupad ng flood control masterplans at pagkukumpuni ng mga nasirang flood mitigation projects.

Kasama rin sa prayoridad ang pagpapahusay ng flood control systems sa mga urban area na madalas makaranas ng pagbaha, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Cebu.

Hindi binanggit ng kalihim ang halaga ng pondong ilalaan para rito dahil hinihintay pa ang final budget proposal ng Department of Budget and Management (DBM) na isusumite sa Kongreso ngayong araw.

Facebook Comments