Kalibo, Aklan — Nag negatibo ang resulta ng COVID-19 test ng isang Locally Stranded Individuals (LSI) na namatay at taga bayan ng Nabas. Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr., Provincial Health Officer I ng PHO-Aklan na kahapon ay lumabas ang resulta matapos na kunan ng post mortem swab noong Huwebes ang nasabing pasyente. Matandaan na unang inihayag ni Dr. Cuachon na naunang dinala ang 56 anyos lalaki sa Malay Hospital dahil nakaranas ito ng hirap sa paghinga kung saan narefer ito sa Provincial hospital ngunit idineklarang dead on arrival. Dagdag pa nito na matagal nang may iniindang sakit na diabetes at kidney problem ang naturang LSI. Kinonsidera rin umano ng PHO na Probable case ito ng COVID kung saan para makasiguro ay nagsagawa ng swabbing. Bilang protocol naman ng gobyerno ay agad na isinailalim sa cremation ang bangkay nito.
COVID Test ng “LSI” na taga Nabas at namatay, nag negatibo
Facebook Comments