
Tatapusin na ngayong Lunes ng Senate Impeachment Court ang pre-trial conference para sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Clerk of Court Renato Bantug Jr., inaasahan na matatapos na ngayong araw na markahan ang mga ebidensya para sa natitirang dalawang articles of impeachment laban sa bise presidente.
Sisikapin aniya na tapusin na ang pre-trial conference dahil kinakailangan naman nilang maghanda para sa pre-trial order na kailangang maiprisinta sa presiding officer bago ang June 25.
Kailangan nilang madaliin dahil sa July 6 na ang simula ng mismong paglilitis ng Senate Impeachment Court laban kay VP Sara.
Pagsapit naman ng July 6 ay itatakda ang proper trial Lunes, Martes, at Miyerkule mula alas dos ng hapon hanggang gabi o anong oras ito matapos habang Huweves at Biyernes naman ay inilaan para sa motion day.










