DA-BFAR, NAMAHAGI NG 62-FOOTER FISHING BOAT SA MGA MANGINGISDA NG SUAL

Namahagi ng dalawang 62-footer fishing boats ang Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa mga mangingisda ng Sual, Pangasinan.

Ang 62-footer fishing boat steel-hulled ay nagkakahalaga ng 23 milyon.
Kumpleto umano sa pyesa ang mga naturang Bangka na layong mapataas ang fish production sa bansa.

Inaasahan na tataas ng 15-20 tons per month o 1. 5 milyong piso ang maaaring gross income kada buwan ng mga mangingisda dito.

35 fishing vessels pa ang nakatakdang ipamahagi sa lalawigan kasama na ang dalawang ring net, anim na bag net at 27 handline fishing boats sa sa mga susunod na buwan.

Samantala,magsasagawa ng trainings ang ahensya sa mga benepisyaryong mangingisda upang masiguro ang sustainability ng programa at mas mapataas ang kita ng mga ito. | ifmnews

Facebook Comments