Wednesday, November 18, 2026

DALAWANG INDIBIDWAL, TIMBOG SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION SA LAOAG CITY

Timbog ang dalawang indibidwal na tinukoy bilang Street-Level Individuals matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Laoag City Police Station.

Sa ulat ng pulisya, nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 5.7 gramo ng hinihinalang shabu at 5.3 gramo ng hinihinalang marijuana, kasama ang iba pang mga ebidensyang may kaugnayan sa ilegal na droga.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang naarestong indibidwal habang inihahanda ang pagsasampa ngkaukulang kaso laban sa mga ito.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may kaugnayan sa ilegal na pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Patuloy naman ang operasyon ng Philippine National Police laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng kampanya nito para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments