KAALAMAN SA WASTONG PAGPAPALAKI NG MGA ANAK, PINALALAKAS NG DSWD

‎Pinalalakas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Field Office 1 ang kaalaman at kakayahan ng mga katuwang nitong ahensya at lokal na pamahalaan sa wastong paggabay sa mga magulang sa Ilocos Region.

‎
‎Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Roll-out Training of Trainers para sa Parent Effectiveness Service o PES Program na ginanap noong Oktubre 26 hanggang 30, 2026 sa Patio by Balai Norte sa bayan ng San Juan, La Union.

‎
‎Lumahok sa pagsasanay ang mga kinatawan ng Department of Education Region 1 at iba’t ibang lokal na pamahalaan sa rehiyon.

‎
‎Layunin ng programa na sanayin ang mga kalahok upang maibahagi nila sa kani-kanilang komunidad ang angkop na kaalaman at gabay sa mga magulang, partikular sa tamang pagpapalaki, pag-aalaga at pagdidisiplina sa kanilang mga anak.

‎
‎Ayon sa DSWD, sa pamamagitan ng naturang inisyatibo ay inaasahang mas mapatatatag ang bawat pamilya at mahuhubog ang mas maayos at responsableng komunidad sa buong Rehiyon 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments