Tuesday, August 11, 2026

Mga pasaherong stranded sa mga pantalan, mahigit 400 pa —PCG

Bahagyang nabawasan na ang bilang ng mga pasaherong nananatiling stranded sa mga pantalan dahil sa masamang panahon.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 419 na pasahero, truck driver at mga pahinante ang stranded sa 11 pantalan sa Southern Tagalog, Western Visayas, at Central Visayas.

Kasama rin sa mga hindi pa makabiyahe ang 79 rolling cargoes, tatlong barko, at dalawang motorbanca.

Samantala, nasa 12 barko at dalawang barge naman ang pansamantalang dumaong sa mga pantalan dahil sa masamang panahon.

Ayon naman sa Philippine Ports Authority (PPA), nasa 25 na biyahe ng mga barko at ibang sasakyang pandagat ang kanselado pa rin ang biyahe.

Facebook Comments