
Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat may malinaw at pangmatagalang pakinabang sa taumbayan ang bawat pisong gagastusin ng gobyerno sa ilalim ng panukalang P7.2-trilyong budget para sa 2027.
Sa kanyang mensahe sa Kongreso, sinabi ng Pangulo na hindi lang basta plano sa paggastos ang pambansang budget.
Dapat aniya itong maging pamumuhunan para sa kinabukasan ng bansa at ng mga Pilipino.
Binigyang-diin din ng Pangulo na sa paghahanda ng panukalang budget, tiniyak niyang ang bawat pondong ilalaan ay may makabuluhang balik sa publiko.
Ang P7.2 trillion proposed national budget para sa susunod na taon ay nakatuon sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, seguridad at pagpapalakas ng mga komunidad.
Facebook Comments










