Monday, August 10, 2026

P7.2-T 2027 budget, isinumite na ng DBM kay PBBM

Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P7.2-trilyong National Expenditure Program (NEP) para sa 2027

Ang NEP ang magiging batayan ng panukalang pambansang budget na pag-aaralan at aaprubahan ng Kongreso.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, pormal itong ituturn-over sa Kongreso bukas, Agosto 11.

Mula rito, pag-aaralan ng mga mambabatas ang panukalang budget bago ito talakayin, amyendahan at pagtibayin bilang General Appropriations Act (GAA) para sa 2027.

Facebook Comments