Dalawang kagawad ng brgy., natagpuang patay na tadtad nang tama ng bala sa katawan sa Oriental Mindoro

104

Oriental Mindoro – Patay na at tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan nang matagpuan ang dalawang Barangay Kagawad sa Barangay Benli, Bulalacao Oriental Mindoro kahapon ng tanghali.

Sa ulat ng PNP-MIMAROPA ang mga Barangay Kagawad ay kinilalang sina Erning Aykid at Aylan Lantoy.

Alas-11:30 ng tanghali kanina nang makita ng mga tambay sa lugar ang bangkay ng dalawa na agad na inireport sa pulisya.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bulalacao Municipal Police Station 12:20 ng tanghali kanina isang Henry Ramos Magtanggol ang nagbigay ng impormasyon sa kanila sa nakitang mga bangkay.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang apat na empty shells ng kalibre 45 baril.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP upang matukoy ang mga salarin sa pamamaslang.

Facebook Comments