Tuesday, May 26, 2026

Malacañang, ayaw munang magkomento sa posibleng panibagong na ICC warrants

Umiwas muna ang Malacañang na magbigay ng pahayag tungkol sa posibleng paglabas ng panibagong arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban sa iba pang umano’y sangkot sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ito ay matapos sabihin ng National Bureau of Investigation (NBI) na inaasahan nilang may iba pang warrants na maaaring ilabas ang ICC.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, posibleng magkaroon ng dagdag na warrants dahil may iba pang tinutukoy na co-perpetrators sa kaso.

Pero sa ngayon, wala pa aniyang natatanggap na impormasyon ang gobyerno tungkol dito.

Sinabi rin ni Castro na hindi magbabago ang kasalukuyang posisyon ng pamahalaan sa usapin.

Kaugnay naman ng posibilidad na ilagay sa protective custody ng Senado ang sinumang senador na maaaring maharap sa warrant of arrest, sinabi ni Castro na ayaw muna ng Palasyo na magbigay ng haka-haka hangga’t wala pang inilalabas na warrant.

Facebook Comments