Monday, May 25, 2026

Panukalang hazard pay para sa civilian government personnel sa West Philippine Sea, aprubado na sa committee level ng Kamara

Inaprubahan na sa committee level ng Kamara ang House Bill 8673 o panukalang pagbibigay ng hazard pay sa mga civilian government personnel na nakatalaga o ipinapadala sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay House Special Committee on the West Philippine Sea Chairman at Malabon Rep. Antolin Oreta III, pagkilala ito sa mahalagang serbisyo at sakripisyo ng mga civilian government personnel sa WPS.

Diin ni Oreta, mahalaga ang papel ng mga ito sa pagsuporta sa maritime operations, scientific research, fisheries protection, logistics support, at iba pang mahahalagang aktibidad sa WPS.

Sa kanyang sponsorship speech sa plenaryo ng Kamara, iginiit naman ni Akbayan Party-list Rep. Percival “Perci” Cendaña na araw-araw na humaharap sa panganib ang mga kawani ng gobyerno na nakatalaga o ipinapadala sa WPS.

Inihalimbawa ni Cendaña ang mga civilian personnel na nasugatan matapos i-water cannon ng Chinese Coast Guard ang sinasakyang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), gayundin ang isang tauhan ng Philippine Navy na naputulan ng daliri dahil umano sa pag-atake ng Chinese Coast Guard.

Facebook Comments