Wednesday, May 27, 2026

Lalaking naniningil ng P1,500 na utang, patay matapos pagtulungan ng mag-ama sa Calamba City, Laguna

Patay ang isang 57 taong gulang na lalaki matapos mauwi sa pananakit ang paniningil nito ng utang sa Brgy. Kay-Anlog, Calamba City, Laguna .

Kinilala ang mga mag-amang suspek na sina Bryan, 46 years old at Benedick, 18 years old, mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Calamba City Police, pumunta ang biktima sa bahay ng suspek upang singilin ang utang na P1,500 sa asawa nito na wala sa bahay nang mangyari ang nasabing insidente.

Kung saan dito na nauwi sa pagtatalo ang magkabilang panig hanggang sa umano’y pagtulungan siyang saktan ng mag-ama.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang steel bat, isang steel tube, at isang patalim.

Dahil dito, kasalukuyang nakadetaine ang mga suspek na nahaharap sa kasong Homicide.

Facebook Comments