Tuesday, April 14, 2026

DALAWANG SUSPEK, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON SA LUNGSOD NG SAN FERNANDO, LA UNION

Arestado ang dalawang indibidwal sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Lungsod ng San Fernando, La Union.

Sa unang operasyon, nadakip ang isang 27 anyos na residente ng lungsod dahil sa kasong estafa kaugnay ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act. Ang warrant ay may kaukulang piyansang ₱24,000.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, inaresto ang isang 42 anyos na drayber mula sa Narvacan, Ilocos Sur. Siya ay nahaharap sa kasong reckless imprudence na nagresulta sa double serious physical injuries at pinsala sa ari-arian. Ang naturang warrant ay may inirekomendang piyansang ₱12,000.

Ayon sa pulisya, maayos na naidokumento ang dalawang operasyon gamit ang mga body-worn camera na inisyu ng Philippine National Police (PNP).

Matapos ang pag-aresto, dinala ang mga suspek sa City Health Office para sa medical examination bago itinurn-over sa City of San Fernando Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments