Pinangunahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates “Soc” Villegas ang pagdiriwang na ginanap bilang pagpaparangal sa Our Lady of Manaoag o Mahal na Birhen ng Manaoag.
Ayon kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, naging masigla ang taunang pagdiriwang, na dinaluhan ng maraming pilgrim.
Sinabi rin ng alkalde na nakaantabay ang mga awtoridad at medical personnel upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga debotong dumalo sa selebrasyon.
Samantala, kabilang sa mga dumayo sa Manaoag si Isidora Quimson, na bumiyahe pa mula Nueva Ecija upang makiisa sa pagdiriwang.
Aniya, hindi naging hadlang ang layo ng kanilang pinanggalingan upang maipakita ang kanilang debosyon sa Mahal na Birhen ng Manaoag.
Dagdag niya, nagsisilbing lakas ang kanilang pananampalataya upang patuloy na makadalo sa mga ganitong pagdiriwang kahit nasa senior citizen age na.
Muling napuno ng mga mananampalataya ang Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, na patuloy na dinarayo ng mga deboto mula sa iba’t ibang lugar bilang pagpapakita ng kanilang pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birhen ng Manaoag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








