DALAWANG WANTED PERSON, ARESTADO SA SAN CARLOS CITY

Arestado ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station ang dalawang wanted person sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Barangay Bugallon, San Carlos City, Pangasinan.

Kabilang sa mga naaresto ang isang lalaki na nahaharap sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Criminal Case No. 11067, na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, isang babae naman ang naaresto dahil sa kasong paglabag sa Section 22 (a) at (d), in relation to Section 28 (e), ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018.

Nakatakda naman ang piyansa nito sa ₱36,000.

Matapos ang operasyon, dinala ang dalawang wanted person sa San Carlos City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Nanatili sa kustodiya ng pulisya ang mga naaresto habang nagpapatuloy ang kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments