BFAR, nagpaalala sa mga may palaisdaan kaugnay ng posibleng epekto ng El Niño

Nagpaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa mga nag-aalaga ng isda o may mga palaisdaan, na regular na obserbahan ang tubig bunsod ng inaasahang “Very Strong El Niño”.

Ayon sa BFAR, tumataas ang temperatura tuwing may El Niño na nagreresulta ng pagkakaroon ng coral bleaching.

Kapag nasira ang mgal coral reefs, na pangunahing tirahan ng mga isda, ay makakaapekto ito sa supply at produksyon ng isda, maging sa kabuhayan ng mga nasa sektor ng pangisdaan.

Maliban dito, nagkakaroon din umano ng stress ang mga isda tuwing may El Niño, na dahilan ng pagkakaroon nila ng sakit, maging ang mga seaweeds.

Dagdag pa rito, kailangan din umanong bantayan ang pagkakaroon ng fishkill kapag bumababa ang oxygen sa tubig, kabilang na ang red tide.

Suhestyon ng BFAR:

• Regular na bantayan ang tubig sa palaisdaan, gaya ng temperatura, dissolved oxygen, at alat.
• Iwasan ang siksikan na mga isda sa fish cage.
• Pakainin ang mga isda ng tama.
• Maghanda ng angkop na kagamitan para sa sistsma ng pangangalaga.

Paalala ng BFAR ang mga nasa sektor ng pangisdaan, agad ipaalam sa ahensya ang anumang hindi pangkaraniwang pagbabago sa anyo ng tubig sa kanilang pangisdaan.

Facebook Comments