ACTIVE THREAT ORIENTATION, ISINAGAWA SA MGA GURO AT SCHOOL PERSONNEL SA DASOL

Isinagawa ng 105th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) ang lecture at orientation hinggil sa active threat sa mga teaching personnel at school community ng Eguia Elementary School sa Dasol, Pangasinan.

Naglalayon ang orientation na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga guro at iba pang personnel sa posibleng insidente ng active threat sa paaralan.

Tinalakay sa orientation ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag, maagang pagkilala sa mga posibleng banta, wastong komunikasyon, at tamang pagkilos sa oras ng emergency.

Binigyang-diin din ang pangangailangang manatiling kalmado, sundin ang itinakdang safety protocols, at agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Tinalakay rin ang mga pangunahing hakbang sa emergency response at koordinasyon sa mga awtoridad upang higit na mapalakas ang kakayahan ng paaralan na tumugon sa anumang posibleng banta.

Layunin ng aktibidad na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at school personnel, lalo na sa mga sitwasyong nangangailangan ng mabilis at maayos na pagtugon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments