38 ANYOS NA LALAKI, TIMBOG SA BUY-BUST; ₱246K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASABAT

Arestado ang isang 38 anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng tinatayang ₱246,840 halaga ng hinihinalang shabusa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa San Carlos City, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station, sa pamumuno ni PLTCOL Lawrence Keith D. Calub, Officer-in-Charge, katuwang ang PDEA Regional Office 1, bandang alas-1:35 ng madaling-araw nitong Oktubre 6, 2026.

Nakuha mula sa suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang bigat na 36.3 gramo at Standard Drug Price na ₱246,840, bukod pa sa iba pang ebidensiyang nakumpiska sa operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa San Carlos City Police Station, nagpapatuloy ang kanilang mga operasyon, katuwang ang iba pang concerned agencies, upang sugpuin ang ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments