Dalawang most wanted persons sa Pateros, arestado

Manila, Philippines – Dalawa sa sampung nasa listahan ng Most Wanted Persons sa Pateros ang naaresto ng pulisya.

Kinilala ang mga akusado na sina Marvin Armada at Rodel Babon, kapwa may kasong rape.

Samantala, isa ring akusado sa kasong trespass to dwelling at serious physical injury ang naaresto ng Pateros Police.


Kinilala ang naaresto na si Randy Lampong.
Nation”

Facebook Comments