468 METRO NG KANAL SA MANGALDAN NG SA MANGALDAN PUBLIC MARKET, NILINIS

Nakumpleto na ang ₱426,000 drainage declogging project sa Mangaldan Public Market na naglalayong mapabuti ang sanitasyon at maiwasan ang pagbabara at pag-apaw ng tubig sa loob ng pamilihan.

Saklaw ng proyekto ang 468 metrong perimeter canals, kabilang ang mga kanal sa fish section, chicken and meat section, at rice section.

Sumailalim ito sa final inspection ng Local Project Monitoring Committee (LPMC) nitong Martes, Nobyembre 17.

Pinondohan ang proyekto mula sa 20% Development Fund ng lokal na pamahalaan.

Mahalaga ang paglilinis ng mga kanal, partikular sa mga bahaging nagtitinda ng sariwang pagkain, maiwasan maipon ang tubig na maaaring magdulot ng mabahong amoy, pamugaran ng mga peste, at posibleng panganib sa kalusugan ng mga mamimili at tindero.

Inaasahan ding makatutulong upang maisaayos ang daluyan ng tubig at maiwasan ang pag-apaw ng tubig tulad ng ulan sa mga daanan at puwesto sa palengke. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments