
Nagbabala ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko kaugnay ng bagong uri ng pang-i-scam na tinatawag na “Quishing” o “QR Phishing”.
Kung saan gumagamit ang mga cybercriminal ng QR code upang dalhin ang biktima sa isang pekeng website para magnakaw ng personal at pinansyal na impormasyon.
Kaya’t paalala ng ACG, iwasan na mag-scan ng QR code mula sa hindi kilalang source at suriin muna ang ang URL bago mag-lagay ng impormasyon.
Dagdag pa ng ACG, huwag basta magbigay ng OTP at personal details at gumamit lamang ng mga opisyal na applications o beripikasong apps websites.
Ayon pa rito, nagbabago at patuloy na nag-e-evolve ang modus ng mga cybercriminals kung kaya’t mahalagang alam ng publiko ang mga bagong paraan ng ganitong uri panloloko.










