Thursday, July 23, 2026

Pagpapalit ng spokesperson ng defense team, ikokonsulta muna kay Vice President Sara Duterte — Atty. Michael Poa

Ikokonsulta muna ni defense counsel Atty. Michael Poa kay Vice President Sara Duterte ang pagpapalit ng spokesperson ng defense team .

Nabatid na si Poa ang tumatayong Spokesperson ng depensa at ang isa sa mga legal counsel ng Bise Presidente para sa impeachment trial nito.

Ayon kay Poa, naapreciate naman nito ang advice ng Presiding Officer na si Senator Chiz Escudero na maghanap ng ibang spokesperson lalo na siguro ay nakikita nila ang hirap ng nasabing abogado.

Pero kung tatanungin umano si Poa ay mahirap para sa kanya na pagsabayin ang dalawang role na ito.

Ngunit ang disavantage nito ay kung papalitan man sya ay ang familiarity ng bagong spokesperson sa media at sa kanilang kliyente.

Pati na ang hindi pagiging parte ng nasabing bagong spokesperson sa legal team na kung saan ay imamanage pa rin umano ni Poa.

Binigyang-diin naman ni Poa na anuman ang mangyari ay nakadepende pa rin naman ito sa magiging desisyon ng kanilang kliyente na si VP Sara.

Facebook Comments