
MPD, may panawagan sa mga grupo na magsasagawa ng kilos protesta kasabay ng SONA ni Pangulong Marcos Jr.nanawagan ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga magsasagawa ng kilos protesta sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila na sundin ang mga inilatag na patakaran.
Ito’y kasabay ng gagawing ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ngayong araw.
Sa inilabas na pahayag ng MPD, kanilang ginagalang ang mga karapatan ng mga magkikilos protesta sa paglalabas ng kanilang mga hinaing.
Kasabay nito, igalang din daw sana ng mga raliyista ang ginagawang pagpapatupad ng tungkulin ng bawat pulis.
Giit ng MPD, sinusunod lamang nila ang mga nararapat na patakaran tulad ng pagpayag na magsagawa ng protesta sa mga freedom park kung saan huwag ng tangkain pa na magkasa ng programa sa Mendiola.
Sa kabila nito, may ilang grupo na ang naghahanda para magsagawa ng kilos protesta sa bahagi ng Recto Avenue malapit sa Quezon Blvd. kung saan bantay sarado naman sila ng mga tauhan ng MPD.










