Monday, July 27, 2026

Ilang mga senador, naghayag ng mga nais marinig sa SONA ng pangulo

FILE

Malinaw na roadmap para sa paghahatid ng de kalidad na trabaho, maayos na edukasyon at pagkawala ng kagutuman ang nais na marinig ni Senator Joel Villanueva sa SONA mamayang hapon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Dapat aniyang masagot sa SONA ang maraming katanungan ng mga ordinaryong Pilipino ng trabaho, pagkain, kahirapan, at edukasyon sa mga kabataan.

Tinukoy ni Villanueva na patuloy na nahihirapan ang mga Pilipino sa tumataas na bilihin at kawalan ng kasiguraduhan sa ekonomiya, gayundin ang pagtaas sa unemployment rate, hunger incidence rate, inflation, at mababang literacy rate.

Para kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, inaasahan naman niyang ilalahad ni PBBM ang mga nagawa ng administrasyon at ang tugon nito sa iba’t ibang suliranin ng bansa.

Tiwala naman si Senator Lito Lapid na ilalatag ng Pangulo sa kanyang SONA mamaya ang mga aksyon ng gobyerno para sa pagpapabuti ng buhay ng bawat Pilipino lalo na sa epekto ng global crisis.

Facebook Comments