Thursday, June 18, 2026

DALAWANG WANTED SA SYNDICATED ESTAFA, ARESTADO SA SAN CARLOS CITY

Natunton at naaresto ng San Carlos City Police Station ang dalawang wanted sa kasong Syndicated Estafa sa Brgy. Bugallon-Posadas, San Carlos City noong Hunyo 16, 2026.

Kinilala ang mga suspek bilang isang 25-anyos na lalaki at 27-anyos na babae, kapwa residente ng lungsod at pawang walang trabaho.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang lalaking suspek ay may limang bilang ng magkakahiwalay na warrant of arrest para sa kasong Syndicated Estafa, habang ang babaeng suspek naman ay may isang warrant of arrest para rin sa kaparehong kaso.

Wala umanong inirekomendang piyansa para sa kanilang mga kaso.

Isinagawa ang pag-aresto alinsunod sa ipinatutupad na operasyon ng pulisya laban sa mga wanted person sa lalawigan.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng San Carlos City Police Station ang dalawang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon habang hinihintay ang susunod na hakbang ng korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments