26 ANTI-DRUG OPERATIONS,NAGRESULTA SA PAGKAKAKUMPISKA NG P1.15M DROGA SA ILOCOS REGION‎

‎Umabot sa P1.15 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa serye ng mga operasyong isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Region mula Hunyo 8 hanggang 14, 2026.

‎Ayon sa ulat ng PRO 1, nakapagsagawa ang kapulisan ng 26 na operasyong kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng 28 indibidwal na hinihinalang sangkot sa iligal na gawain.

‎Sa nasabing mga operasyon, nakasamsam ang mga awtoridad ng kabuuang 169.86 gramo ng hinihinalang shabu at pitong gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang kabuuang halaga na P1,155,888.00.

‎Ang matagumpay na mga operasyon ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Enhanced A.L.E.R.T.O. Framework kung saan pinapaigting ang law enforcement operations at intelligence-driven initiatives upang sugpuin ang ilegal na droga at iba pang banta sa seguridad sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments