Mas napadali na ang pagkuha ng tulong at serbisyo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pangasinan matapos ilapit ng Department of Migrant Workers (DMW) Region 1 ang AKSYON Fund Awarding sa pamamagitan ng DMW Dagupan Satellite Office.
Nagsagawa ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa AKSYON FUND Awarding para sa mga kwalipikadong OFW beneficiaries bilang bahagi ng pagdiriwang ng Migrant Workers Day 2026.
Sa halip na bumiyahe pa nang halos anim na oras balikan patungong Regional Office sa La Union, nagawa ng mga benepisyaryo na matanggap ang kanilang ayuda sa mas malapit na tanggapan sa Dagupan City.
Ayon sa DMW Region 1, layunin ng hakbang na gawing mas accessible at episyente ang paghahatid ng serbisyo sa mga OFW at kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan ng satellite office, nababawasan ang gastos sa pamasahe, oras ng biyahe, at iba pang abalang kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa kapag nangangailangan ng tulong mula sa ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










