
Nakatakdang magsumite ngayong araw ang House prosecution Panel ng pre-trial brief sa Senate Impeachment Court.
Ayon kay House Prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, lalamanin ng pre-trial brief ang summary ng admitted facts, proposed stipulations, at issues for resolution.
Sabi ni Ridon, kasama din sa pre-trial brief ang listahan ng mga dokumento, exhibits at mga testigo sa mga alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte na nakapaloob sa Articles of Impeachment.
Binanggit naman ni House Prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na sa ngayon ay nasa 25 mga testigo ang kanilang ikinokonsidera pero isasailalim pa nila sa pinal na pag-review.
Ayon kay Chua, karamihan sa mga testigo ay may kaugnayan sa isyu ng maling paggamit ni VP Sara ng confidential funds at sa kanyang hindi maipaliwanag na yaman.










