
Itinanggi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang alegasyon na tumanggap umano siya ng maletang naglalaman ng pera.
Ito ay matapos siyang pangalanan ng 18 ex-bodyguards ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na hinatiran umano nila ng perang bahagi ng kickback mula sa flood control projects.
Ayon kay Garcia, kasinungalingan ang mga ito kasabay ng pagkwestiyon sa pabago-bago raw na pahayag ng ‘maleta boys’.
Partikular na tinukoy rito ni Garcia ang pahayag noon na apat na maleta umano ang ibinigay sa kaniya sa harap ng isang hotel.
Ngunit, sa pulong balitaan ngayon ay sinabi ng ‘maleta boys’ na isang maliit na bag lang daw ang ibinigay sa kaniya.
Samantala, ipinagtataka rin ng COMELEC chair kung bakit siya idinawit lalo’t wala naman daw siyang kinalaman sa isyu ng flood control anomaly.










