Tinuturing na panahon ng kadiliman o dark ages ng mga Ilonggo ang serbisyo ng dating power supplier na Panay Electric Company(PECO) dahil na rin sa naging ordinaryong pamumuhay na ang palagiang brownout sa buong Iloilo City na ayaw na nilang muling balikan.
Sa isinagawang special report ng Publishers Association of the Philippines Inc(PAPI) patukoy sa estado ng power supply sa Iloilo City na makikita sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-power/) ay inisa isa nito ang dahilan ng naging pagbagsak ng kontrobersiyal na 96- taong pamahahala ng PECO at kung bakit ito inayawan hindi lamang ng mga customers kundi mismo ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na syang nag-inisyatibo na hilingin sa Kongreso at Energy Regulatory Commission(ERC) na palitan ang kanilang power supplier.
“PECO, for much of its last years as the city’s electric power distribution utility, had become synonymous to the phrase “technical incompetence” following years of unexplained and prolonged power interruptions that for a while had actually threatened the economic viability of Iloilo City turning off investors instead of attracting them. PECO’s service, at least in its last few years, was nothing but a complete mess”nakasaad sa nasabing report.
Ang operational lapses ng PECO na tinukoy ng ERC kasama na dito ang hindi maayos na protective devices,hindi ligtas na mga poste, overheating na mga substations, hindi pagsasagawa ng upgrade sa kanilang lumang distribution system sa maraming taon at hinuhulaan lamang na meter reading kaya nagkaroon ng P631M refund sa mga consumers ang syang nagbigay daan para bawiin sa PECO ang prangkisa, operational at business permit nito.
Bagamat wala na sa Iloilo City ang PECO ay hindi pa rin natatapos ang kalbaryo ng mga Ilonggo sa kanilang power system, pinuna ng PAPI na ang dahilan nito ay ang patuloy pa rin na panggugulo ng PECO sa operasyon naman ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp(More Power) na una na nitong inakusahan na mas dumalas ang nararanasang brownout at tumaas pa ang sinisingil na systems loss.
Sa report ng PAPI ay sinabi nito na lumilitaw na walang basehan ang akusasyon ng PECO laban sa More Power dahil lumilitaw na ang buong sistema mismo na ginagamit noon ng PECO ang substandard na sinisimulan na ngayong isaayos ng bagong power supplier kaya nagkakaroon ng scheduled power interruption.
Binigyang puntos din ng PAPI ang suporta ng buong komunidad sa More Power na hindi umano nakita sa ilalim ng pamamahala ng PECO.
“various sectors of the Iloilo City community express its full backing to More Power, with all of them saying the new power distributor is on the right track”ayon pa sa report.
Samantala sinabi naman ng ilang business at church leaders sa Iloilo City na inaasahan na nila ang maliwanag na pamumuhay sa Iloilo City sa pag-alis ng PECO at pinanghahawakan ang pangako ng More Power sa mas maayos na serbisyo.
“From the standpoint of being a consumer myself, I ask everyone to bear with the situation and have a little more patience. MORE cannot do miracles, like instantly solving the woes we had experienced for decades under PECO. Its only fair that we allow More to prove its worth”pahayag ni Msgr Meliton Oso, head ng Jaro Archdiocese Social Action Center.
Hindi na rin umano papayag ang grupong Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines(IIEE) na mabalik ang PECO sa Iloilo City dahil mas may kakayahan umano ang bagong power supplier na tugunan ang pangangailangan ng lungsod.
Sinabi ng PAPI na ang underfunded na distribution infrastracture ng PECO sa loob ng maraming taon ang syang punut dulo ng naging problema sa kuryente sa Iloilo City kaya naman kung hindikakayanin ng PECO ang demand ng panahon ay mainam na lisanin na ang lungsod at ipaubaya ang power suppy sa More Power na nakita ng Kongreso na may kakayahan na mag roll out ng development plan sa buong power system ng Iloilo City.
Hindi umano simpleng usapin ang isyu sa pagitan ng More Power at PECO dahil kuryente ng buong lungsod ang pinag uusapan dito na syang ifeline at mahalagang instrumento para sa socio economic development ng lungsod.
30