PNP ACG, sinusuri kung lehitimo ang mga Facebook accounts ng ilang umanong pulis na nag-resign matapos maaresto si FPRRD

Matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na bogus o peke ang dalawang account ng di umano ng mga pulis na nag-resign.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bineberipika pa sa ngayon ng Anti Cybercrime Group (ACG) ang ilan pang social media accounts para matukoy kung lehitimo ba silang miyembro ng PNP.

Hindi kasi imposible ani Fajardo na gamitin ang sitwasyon para gumawa ng kalituhan o kaguluhan na layon lamang ay sirain ang gobyerno.


Sa kabilang banda, sinabi ni Fajardo na nananatili silang naka pokus sa kanilang mandato na paglingkuran at protektahan ang taumbayan.

Paliwanag nito, hindi sila ppwedeng magpa-apekto sa usaping politika sa bansa lalo na ngayong nalalapit na ang 2025 Midterm Elections.

Facebook Comments