Noong Oktubre 27, inanunsyo ng PAGASA ang pag-iral ng nasabing hangin na nagdudulot ng pagbabago sa panahon.
Ayon kay Gener Quitlong, weather specialist ng PAGASA-Dagupan, hindi agad mararamdaman ang malamig na temperatura dahil unti-unti lamang ang inaasahang pagbaba nito.
Dagdag ni Quitlong, ang hanging Amihan din ang nagdudulot ng pagbuo ng shear line, o ang pagsasalubong ng malamig at mainit na hangin, na maaaring magresulta sa mga pag-ulan sa Luzon.
Samantala, inaasahang pinakamalamig ang panahon sa mga buwan ng Disyembre at Enero, kapag nasa rurok ang epekto ng hanging Amihan.
Inaasahang magtatagal naman ito hanggang ikalawang o ikatlong linggo ng Pebrero.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala sa publiko na maghanda sa mga epektong dulot ng Very Strong El Niño at ng hanging Amihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








