Umaasang lalakas ang kita ng mga nagpaparenta ng cottage sa Tondaligan Beach sa Dagupan City sa pagdami ng mga inaasahang bumisita sa nasabing pasyalan ngayong Undas.
Ayon kay Nani Natividad, isa sa mga nagpaparenta ng cottage sa lugar, nararamdaman na nila ang unti-unting pagdami ng mga beachgoer sa kasalukuyan.
Sa katunayan, tatlong cottage na umano ang nakareserba nila para sa araw ng Undas at sa sumunod na araw nito.
Inaasahan din ni Natividad na mas marami ang dadayo sa beach sa November 2.
Pagkakataon na rin umano ito para makabawi ang mga cottage owner sa pagkalugi nila dahil sa mga nagdaang bagyo at habagat.
Samantala, bukod sa mga sementeryo, kabilang ang Tondaligan Beach sa mga pasyalan na babantayan ng mga awtoridad upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamasyal sa panahon ng Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








