Dating MMDA Chair Benhur Abalos, itatalaga bilang bagong DILG secretary

192

Itatalaga bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

Ayon sa tagapagsalita ni presumptive President “Bongbong” Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez, tinanggap na ni Abalos ang alok para sa nasabing posisyon.

Matatandaang si Abalos ang nagsilbing campaign manager ng UniTeam na kinabibilangan ni Marcos at ng ka-tandem nito na si presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.


Facebook Comments