Isang inmate, sugatan matapos sumiklab ang isang riot sa Quezon City Jail male dormitory com

98

Sugatan ang isang inmate matapos sumiklab ang riot sa loob ng Quezon City Jail kanina lamang.

Ayon kay JSupt. Michelle Bonto, ang warden ng QC Jail, wala pang confirmation kung sa pangkat ng mga gang nagsimula ang gulo.

Hindi pa rin nila matukoy ang pangalan ng sugatang preso dahil nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang kanilang pamunuan sa nangyaring insidente.


Aniya, humingi na rin siya ng tulong sa SWAT team ng QCPD para mapahupa ang naganap na kaguluhan sa loob ng nasabing jail.

Sinasabing nagsimula ang gulo bandang alas-3:20 ng hapon kanina at makalipas ang 5 o 10 menuto ay napahupa rin ito matapos ang mabilis na pagresponde ng mga awtoridad.

Facebook Comments