Saturday, April 25, 2026

Patrolman na driver ng police mobile na bumangga sa Payatas Road, Quezon City, inaresto na

Arestado na ang patrolman na driver ng patrol mobile na bumangga sa isang pader sa kahabaan ng Payatas Road, Quezon City kahapon, April 24.

Lumabas sa autopsy result na blunt force traumatic injury sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng 5 person under police custody o PUPC.

Kanina, mariing iginiit ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Randy Glenn Silvio na aksidente ang nangyari at hindi ito sinadya.

Sasampahan ang patrolman o driver ng police mobile ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries and damage to property.

Samantala, kasalukuyan namang nagpapagaling ang 4 pulis, kabilang ang driver ng police mobile sa Philippine National Police General Hospital.

Facebook Comments