Friday, May 1, 2026

Iba’t ibang grupo, nasa kahabaan pa rin ng España sa Manila at naghahanda nang magmartsa pa-Mendiola

Nagdudulot ngayon ng masikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng kalsada sa España sa Maynila ang kilos protesta ng iba’t ibang grupo.

May mga grupo kasing nanggaling din sa northbound ng kalsada para salubungin ang mga nag-rally sa Welcome Rotonda.

Sa ngayon ay lumipat na ang mga ito sa northbound at hinihintay na lamang ang mga grupong KMU malapit lang sa area.

Sa panayam natin kay dating Makabayan Rep. France Castro, bilang isang guro ay nakikiisa siya sa kilos protesta para ipanawagan na itaas ang sahos ng mga guro at mga manggagawa.

Isa rin sa hinihiling nito ay matanggal na ang VAT at excise tax sa petrolyo.

Nananawagan din ito ng hustisya sa 19 na indibidwal sa Negros na umano’y minasaker ng mga sundalo.

Facebook Comments