Desisyon ng CHED na tanggalin ang moratorium na nagbabawal sa mga unibersidad na mag-alok ng Undergraduate Nursing Program, pinuri ng isang senador

Pinuri ni Senador Chiz Escudero ang desisyon ng Commission on Higher Education (CHED) na alisin ang moratorium na nagbabawal sa mga kolehiyo at unibersidad na mag alok ng Undergraduate Nursing Programs.

Tiwala ang senador na ang hakbang na ito ay makakatulong na mapataas ang bilang ng mga medical frontliners sa ating bansa.

Giit ni Escudero, panahon na para alisin ang naturang ban lalo na matapos ang aral na nakuha natin mula sa pagharap sa COVID-19 pandemic.


Pinunto ng mambabatas na nitong pandemya, naramdaman ng bansa ang kakulangan ng mga nurses at iba pang health care workers kaya naman dapat nang simulan ang pagpapalakas ng ating workforce upang hindi na ito maulit sakaling may panibagong health crisis na dumating.

Bilang incoming Senate Committee on Higher Education Chairman ngayong 19th Congress, sinabi ni Escudero na plano niyang silipin ang kasalukuyang estado ng higher education sa Pilipinas.

Facebook Comments