Desisyon sa pagsusuot ng face mask ng mga bata sa eskwelahan, pinauubaya na ng DOH sa mga magulang

Ipinauubaya na ng Department of Health (DOH) sa mga magulang ang pagdedesisyon kung pagsusuutin nila o hindi ng face mask sa loob ng silid-aralan ang kanilang mga anak.

Ang pahayag na ito ay ginawa ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ay kasunod ng pagsisimula ng full face-to-face classes sa mga paaralan.

Pinapayuhan naman ni Vergeire ang mga magulang na pag-aralan ng mabuti ang kanilang desisyon.


Una nang nanindigan ang DOH na ang mga mag-aaral ay itinuturing nilang vulnerable population.

Facebook Comments