Friday, November 20, 2026

3 sa 9 na inaresto sa ikinasang rally sa Maynila dahil sa ASEAN Summit, nakalaya na

Nakalaya na ang tatlo sa siyam na inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District sa kalagitnaan ng kilos protesta noong Linggo kasabay ng pagsisimula ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa bansa.

Sa kabila nito hindi pa nakakalabas ang anim na inaresto sa Liwasang Bonifacio at nananatili sa kustodiya ng pulisya.

Ayon sa ilang raliyista, inaasikaso na ngayon ng mga abogado ng mga inaresto ang kinakailangang dokumento upang mapalaya na ngayong Biyernes.

Sinabi naman ni Manila Police District Spokesperson Police Major Philipp Ines na wala sa kanila ang pagpapasya kung makakalaya ang mga ito o hindi.

Inaresto ang ilang nagkilos protesta matapos magkagulo at piliting lumagpas sa barikada ng Philippine National Police (PNP) para makalapit sa PICC kung saan idinaraos noon ang ASEAN Summit.

Facebook Comments