
Pinalawig ng National Telecommunications Commission (NTC) hanggang January 15, 2027 ang deadline ng pagsasara ng analog television broadcasts sa Mega Manila.
Ito ay mula sa orihinal na deadline na nakatakda sana noong Nobyembre 22.
Batay sa memorandum order ng NTC, layunin ng pagpapaliban na mabigyan ng sapat na panahon ang mga TV network na ipaalam sa publiko ang paglipat mula analog patungong digital television.
Inatasan din ng ahensya ang mga TV station sa Metro Manila at mga karatig-probinsya na ipagpatuloy muna ang kanilang analog broadcasts at pagpapalabas ng mga public service announcement.
Bukod dito, kailangang paigtingin ang information campaign sa pamamagitan ng radyo, social media at mga pahayagan upang matiyak na handa ang mga kabahayan bago ang tuluyang analog TV shutdown.










