Friday, April 24, 2026

National most wanted person para sa kasong rape at child abuse, arestado ng PNP

Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang 42 taong gulang na lalaki at classified bilang National Most Wanted Person.

Isinagawa ang manhunt operation sa Barangay Mapolopolo sa Basista, Pangasinan kung saan dalawang warrants ang isinilbi sa nasabing indibidwal.

Kaugnay nito, nahaharap ang suspek sa kasong statutory rape na walang rekomendang pyansa at Acts of Lasciviouness na may pyansang nasa P180,000.

Samantala, kinumpirma rin ng mga awtoridaa na ang nasabing suspek ay nasa listahan ng Most Wanted Persons ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na may pabuyang nagkakahalaga ng P135 thousand.

Sa ngayon nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments