Saturday, April 25, 2026

P174-M halaga ng smuggled goods, nasabat sa Valenzuela City

Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit ₱174 milyon halaga ng smuggled goods na walang import permit sa isang warehouse sa Valenzuela City.

Sa pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC), nakumpiska ang mga makinarya, electronic devices, imported na gamot, pagkain, damit, cosmetics, at LED lighting products na umano’y mula sa China.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang BOC sa National Bureau of Investigation (NBI) upang masampahan ng kaukulang kaso ang mga responsable sa insidente.

Ayon sa mga awtoridad, bukod sa kawalan ng permit, posible ring may paglabag sa intellectual property rights at maaaring magdulot ng banta sa kalusugan at kaligtasan ng publiko ang mga nasabing produkto.

Isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon noong April 14.

Facebook Comments