Thursday, April 23, 2026

15 Filipino seafarers na bihag ng Iranian forces, ligtas at hindi sinasaktan —DMW

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa ligtas na kalagayan ang 15 Filipino seafarers na sakay ng dalawang container ships na hawak ngayon ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran.

Ayon sa DMW, naabisuhan na rin ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac , ang mga barkong Epaminondas at MSC Francesca ay nagtangkang mag-exit sa Strait of Hormuz noong April 22 nang maharang sila ng Iranian forces.

10 Filipino seafarers ang sakay ng Epaminondas, habang 5 Pinoy crew members naman ang sakay ng MSC Francesca.

Ang naturang mga barko ay nasa bisinidad ngayon ng Iranian coastline.

Tiniyak naman ng DMW na nakikipag-ugnayan na sila sa manning agency, at shipowners, para sa updates at suporta sa mga tripulanteng Pinoy.

Facebook Comments