Tuesday, June 2, 2026

DOE, tiniyak ang sapat na supply ng LPG

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na may sapat ng supply ng LPG ang bansa.

Kasunod ito ng pagdating sa bansa ng karagdagang 21,000 metric tons ng LPG na inangkat ng Pilipinas.

Ayon kay Energy Undersec. Sandy Sales, patuloy ang pagdiskarga sa pantalan ng Calaca,Batangas ng mga dumating na LPG.

Tiniyak ng DOE na sa ngayon, 42 araw ang imbentaryo ng supply ng LPG sa bansa.

Ayon sa DOE, ang dumating na LPG ay binubuo ng 50% refrigerated propane at 50% refrigerated butane, na inangkat mula sa Enterprise Port sa Texas, United States.

Facebook Comments