DOH, dismayado sa naitalang kaso ng stray bullet sa pagsalubong sa Bagong Taon

 

Dismayado si Health Secretary Ted Herbosa, sa naitalang limang kaso ng stray bullet sa kasagsagan ng pagdiriwang ng bagong taon.

Sa pahayag ni Herbosa, wala namang kinalaman ang mga tinamaang biktima sa mga nagpaputok ng baril.

Aniya, dapat ay naging responsable ang mga may-ari ng baril kung saan hindi na sana ito pinaputok lalo na kung paitaas dahil walang kasiguraduhan kung sino ang tatamaan.


Ikinalungkot ng kalihim ang nangyari lalo na’t una pa niyang ipinagmalaki na nitong December 30 at 31, 2023 ay walang naitatalang kaso ng stray bullet.

Sa datos naman ng Department of Health (DOH), ang naitalang fireworks related injury ay nadagdagan ng 116 na bagong kaso.

Kaugnay nito, pumalo na sa 231 ang fireworks-related injuries sa pangkalahatan kumg saan pinakamataas na kaso ay nagmumula sa NCR na may 113; pangalawa ang Central Luzon na 27 at Ilocos Region na may 24 na kaso.

Facebook Comments