Bilang ng mga ipinagbabawal na paputok na nakumpiska ng PNP, umabot sa halos 200,000

Patuloy na nadaragdagan ang mga pinagbabawal na paputok na nakukumpiska ng Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP ngayong January 1, 2024, kanilang sinabi na umabot na sa halos 200, 000 mga paputok ang nakumpiska ng pulisya bunga ng mga operasyon saiba’t ibang panig ng bansa.

Pinakamarami sa nakumpiska ang large size na Judas Belt o Goodbye Philippines na mahigit 34, 000.


Sinundan ito ng 5 star na mahigit 29, 000 ang nakumpiska at Piccolo na mahigit 18, 000.

Maliban sa mga ito, marami rin sa nakumpiska ang Plapla, Lolo Thunder, Giant Whistle bomb at iba pa.

Tinataya namang nagkakahalaga ng P3.6 million ang halag ng mga paputok na nakumpiska ng PNP.

Facebook Comments