Kasabay ng pabago-bagong panahon, pinaalalahanan ng Department of Health o DOH ang publiko na mag-ingat laban sa Influenza-like Illnesses o ILI, na karaniwang may kasamang ubo at sipon.
Kabilang sa mga sintomas na dapat bantayan ang lagnat na 38°C o mas mataas, sipon, panghihina, pananakit ng katawan at ulo, pamamaga ng lalamunan, panginginig, pagsusuka, at pagtatae.
Payo ng DOH, panatilihin ang wastong kalinisan at sundin ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at maprotektahan ang sarili, pamilya, at komunidad.
Kung lumalala naman ang mga sintomas, partikular kung nakararanas na ng hirap sa paghinga, pinapayuhang agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility o ospital. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










