Thursday, April 16, 2026

PBBM, nagbuhat ng sako ng bigas sa distribusyon sa Maynila

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng libreng bigas sa Maynila nitong Huwebes, April 16, 2026, sa ilalim ng Local Government Support Fund.

Kasama si Manila Mayor Isko Moreno, personal na nag-abot ng tulong ang Pangulo sa mga benepisyaryo.

Nagbuhat din siya ng isang sako ng bigas habang namamahagi bilang patunay ng kanyang maayos na kalusugan.

Nauna na niyang itinanggi ang kumakalat na balitang may malubha siyang sakit at ipinakita rin ang kanyang kondisyon sa pamamagitan ng pag-jogging sa loob ng Malacañang kasama ang media.

Tinatayang 80,000 pamilya ang target na makinabang sa libreng bigas.

May nakalaang tulong din sa loob ng anim na buwan para sa mga tsuper at mga manggagawa sa sektor ng informal at low-income workers.

Nasa ₱286 milyon ang pondong inilaan para sa programa na ipinagkaloob sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Facebook Comments